Saturday, August 25, 2007

Isang nakaririmarim na pagbabago (part 2)

Ang nakakainis po nito mga peepz. Kailangan ko pang makipag-plastikan at tumawa sa mga walang kakwenta-kwenta at napaka-corny na mga jokes nung mister ng tita ko. Wala akong magawa kundi patulan ang mga kababawan niya. Pakisama, kumbaga pa. Ngayon ko lang na-realize na nakakasakit pala ng panga ang pilit na pagtawa.

At siyempre bukod pa rito. Wala rin akong magawa kundi pakisamahan ang pinsan kong mukhang ninja turtle. Napakakulit niya. Ang sarap tuking'n. Pero di pwede, baka mabutas ko ang ulo nya.

Nagbago na nga lifestyle ko. Ang hirap nang pumuslit ng yosi (at rugby? ;D). Wala na rin akong excuse para umabsent. Haay.. Ang hirap kalimutan ang mga bisyo ko.

Wednesday, August 22, 2007

Isang nakaririmarim na pagbabago

Sinong mag-aakala na mapapadpad ako dito sa kweba ng Kabacan? Kahit ako ni-minsan ay di ko na-imagine ang aking sarili na mag-stay dito. Ang masama pa nito, kapag natuloy ako sa aking kinukuhang kurso (yun man ay kung di naman ako demonyohin) ay mahigit kumulang 5 taon akong magtitiis kasama ang mga "tao" dito.

Dati, hindi ko pinapansin ang milo. Ngayon, sinasamba ko na ito. At ang ka-partner? Ang walang kakupas-kupas na STAR MARGARINE (na walang sugar) at tinapay na parang tissue. Yan na ang breakfast ko.

6:15 ng umaga. Nagha-hike papuntang cencom o kung saan man ang klase namin. Ilang kilometro (char!) din ang layo nun. Kaya parang sunog na biskotso na ang kulay ko ngayon. Wa
epek na ang ponds whitening detox cream.

Eto pa ang matindi. Naka-high heels ako.. at sobrang masakit talaga sa paa. Bigla-bigla na lang kasing naging strict ang mga gurang na gwardya ng USM. Bawal na ang rubber shoes, kaya ayun. Nagtiya-tiyaga talaga akong mag-takong kahit labag tlaga sa kalooban ko..

Pagdating sa school, yung boring na titser ang madadatnan mo. Kulang na lang magdala ka ng unan at banig. pwedeng-pwede mo na siyang tulugan.